Followers

Sunday, September 20, 2020

M2 Malunggay Okra Luya Concentrate (TEA Drink) Review

       Hello mga mommy, pag uwi ng hubby ko galing ng Batangas nagulat nalang ako sa binili niya binilhan niya ako ng M2 malunggay, okra, luya tea drink na ito, nainis pa ako sa kanya kasi ang laki ng binili niya, 1000ml. Hindi ko pinapansin ito kasi ang mindset ko kaya nga ako nag bi’breastfeed ay para makatipid mas pinipili ko noon na magpakulo nalang ng dahon ng malunggay saka gagawing milonggay dati noong tinatry ko yun pero hindi siya ganoon ka effective sa akin at parang nag gain pako ng weight pati ang baby ko parang tumaba kami pareho dahil siguro sa milo. Nag try din ako noon ng moringga capsule ng Natalac effective sa akin yun kaso masyadong mahal para sa akin kaya sinubukan ko yung milonggay sa tingin ko hiyangan din ito. 

         Hanggang sa trinay ko ang M2 na ito noong time na iyon humihina na ang supply ng milk ko dati akong nakakapag pump ng halos 60ml mula s magkabilaan na breast ko at di narin nababasa yung damit ko ng gatas na tumutulo dahil sa sobrang dami ng supply. Madalas kasi akong naglalaba hindi rin naman kasi maiwasan ito lalo pag naglalaba ka ng damit ng baby mo. Bumaba ang na pupump ko sa 20ml kaya nag'worry kami ni hubby na baka tuluyan itong matuyo at mag formula nalang kami. Kaya binilhan niya ako nito.

          Sa unang araw ng subok wala namang nangyari ganoon parin. Ang lasa niya masarap parang kahit di mo na timplahan okay na dahil siguro sa muscovado sugar masarap siya parang lasang gulaman. May formulation o recipe na makikita sa label niya.


               Hinahaluan ko ng calamansi juice

               Ganito yung itsura niya kapag puro 

      ito yung recipe niya na pwede niyong subukan

         Hinahaluan ko ng calamansi juice kasi ito yung avilable sa refrigator namin at para pag mabilisan pero kung gusto ko ng mas natural mas okay ang totoong calamansi na piniga o kaya naman ay lemon. Dati malakas ako mag kape kaso noong nabuntis ako at nagpapabreastfeed hindi advisable ang pag inom nito kaya imbes na mag softdrinks o magkape ako, ito ang sina'substitute ko, sinubukan ko yung malamig okay rin naman pero mas gusto ko pag mainit na tubig ang hinahalo parang instant kape o tsaa na rin. Minsan hinahalo ko rin tong M2 sa gatas o kaya milo, okay rin ang lasa niya nagbblend rin.

                   ito yung serving capacity niya


                 Ingredients and Nutritional facts


                   nakakaipon na ulit ako ng mabilis 


     nakaka ipon na ulit ako ng pang breastmilk bath

         Sa loob ng one week sinubukan ko siya sa loob ng tatlong araw wala pa siyang epekto sa akin pero matapos ang 2 weeks doon na ulit lumakas ang supply ng gatas ko nakaka pag pump na ulit ako ng 60ml sa bawat breast pagkatapos ni baby dumede kumbaga ito yung tira na hindi niya nauubos kumpara sa 10ml to 20ml nalang dati. Bonus pa na nakakapagproduce narin ako ng breastmilk para sa breastmilk bath ni baby. 


         Lagi narin ulit basa yung damit ko ng milk


        Narealize ko na holy grail pala ito kaya nagpasalamat ako sa hubby ko na pinasubok niya ito sa akin at okay lang na minsan dapat nag i'invest din tayo dito dahil malaki narin naman na ang natitipid natin mula sa breastmilk. Minsan kasi nakakatamad din mag pakulo pakulo pa nakukunsumo rin naman nag LPG gas mo haha😂.

         Maraming salamat sa pagbasa ng aking review try mo rin baka effective sayo iba parin talaga ng breastmilk although di ako against sa formula milk okay rin yun pero kung kaya mo i’sustain ng breastmilk mo alagaan mo ito ika nga ang tawag nila dito ay "Liquid Gold".

P.S.
nabibili lang pala ito sa Robinsons supermarket at Andoks outlet. 😅 Hindi ko lang sure kung meron sa Shopee pwedeng meron kasi lahat naman halos nandoon na.



My First Blog as a Mom

Hello, It is my first blog as a mommy now. The time flies so fast since I found out that I am pregnant my baby was 6 weeks only inside my tummy, she is 4 months now.

I thought I cannot be a mom because I'm too busy to chase my career path but everything went upside down. Hormonal changes started to occur I feel dizzy whenever I am travelling on my way to my workplace. I vomit a lot and emotional changes are so high.

I never thought that being a mom will be difficult, fun and exciting at the same time. Please join me in my journey into motherhood as I share my insights and experiences on what I have learnt and discover as my new full time job "milk producer" kidding aside. 

How about you can you also share your thoughts of being a first time mom? What are the changes that happened to you? and what are the things you didn't expect to happen.

#Kapitnanay #Padedemom #milkfairy #FirsttimeMom


Apat na Taon Pa Lang, Nagmura na Agad?!

Grabe!  Feeling ko minsan, superwoman ako, pero totoo, may mga araw na feeling ko, bagsak na bagsak na ako.  Super busy sa work, tapos pag-u...